Nagbigay-pugay si Mayor Joy Belmonte sa mga benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na matagumpay nang nakaahon at nagtapos sa programa sa ginanap na Pugay Tagumpay 2026.
Sa kabuuan, 700 pamilya mula sa lungsod ang kinilala sa kanilang pagsusumikap na umunlad at makapagtapos sa 4Ps.
Binigyang-diin din ni Mayor Joy ang iba-ibang oportunidad at serbisyong maaaring ma-avail ng mga pamilya mula sa lokal na pamahalaan, kabilang ang mga programang pangkabuhayan, trabaho, at scholarship para sa kanilang mga anak.
Dumalo rin sa programa sina DSWD NCR Assistant Regional Director for Operations Bienvenido Barbosa, Jr., Social Services Development Department OIC Lorelei Salvador, at Department of the Interior and Local Government – Quezon City Director Emmanuel Borromeo.










