Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte at Councilor Mikey Belmonte ang inauguration ceremony para sa bagong multipurpose building para sa mga QCitizen ng Purok 10 sa Barangay Commonwealth.

Ang multipurpose building, na naisakatuparan sa pamamagitan ng opisina ni Konsi Mikey at Senator Bong Go, ay maaaring magamit ng mga residente lalo na kapag mayroong aktibidad sa kanilang komunidad.