ZERO TEXTILE WASTE IN QC!
Dumalo si Mayor Joy Belmonte kasama ang mga QCitizen sa Purposely Lo-Oped: A Celebration of Sustainability Through Swapping of Clothes and Ideas na idinaos sa Pop-Up Katipunan.
Pinangasiwaan ito ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) katuwang ang mga grupong REPAMANA, Kits for PH, at Basically Borrowed.
Layon ng event na mabawasan ang textile waste sa lungsod. Sa tulong ng Kilo/s Kyusi program, nai-swap ng mga QCitizen ang kanilang mga hindi na nagagamit na mga damit sa iba pang mga damit mula sa mga nakibahagi sa event.
Bahagi ito ng pakikiisa ng lungsod sa taunang selebrasyon ng International Day of Zero Waste ng United Nations Environment Programme.
Kasama ng Alkalde sina SBCDPO head Mona Yap, Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, QC Kabahagi Center head Karen Sagun, Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso, at Giana Barata ng Tourism Department.




