Inilawan ng kulay kahel ang pylon sa Quezon Memorial Circle bilang pakikiisa sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. ![]()
Alinsunod sa Republic Act 10398, na nagdedeklara sa November 25 bilang National Consciousness Day for the Elimination of VAWC, patuloy na isinusulong ng mga ahensya ng pamahalaan ang mas mataas na kamalayan at konkretong aksyon upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan.
Kaisa ang Pamahalaang Lungsod Quezon sa paninindigang lumikha ng isang ligtas, pantay, at mapayapang komunidad para sa lahat.







