LIBRENG SAKAY! 🚌

Tuloy-tuloy ang libreng sakay hatid ng ating Q City Bus gayundin ng QC General Services Department bilang dagdag na sakayan para alalayan ang mga apektadong pasahero ng transport strike ngayong Lunes.

May mga nakaantabay ng QC Bus sa harapan ng National Housing Authority na command post ng Traffic and Transport Management Department.

Nagpakalat din ng traffic enforcers mula sa Traffic and Transport Management Department (TTMD), at naghanda ang mga tauhan ng DPOS, DRRMO at QCPD, upang magabayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike.

#QCityBus #LibrengSakay #QCLibrengSakay

+14