QC LIBRENG SAKAY! 🚌

Patuloy ang pagtugon ng Lokal na Pamahalaan sa mga QCitizens na may pasok at pupuntahan ngayong umaga sa unang araw ng 3-day strike ng traditional jeepneys sa Lungsod Quezon.

Kasalukuyang tinatangkilik ng mga commuter sa QC ang libreng sakay na QCity Bus sa harapan ng National Housing Authority na nagsisilbi ring command post ng Traffic and Transport Management Department.

Upang maserbisyuhan ang mga posibleng ma-stranded na pasahero, nagdagdag ng QC bus sa lahat ng ruta. Aabot sa 96 na QCity bus ang idedeploy ngayong araw.

Narito ang mga ruta ng ating QCity Bus:

https://www.facebook.com/share/p/v5H7Pj9e6Cm5gGnt/?mibextid=GVKSpU

#QCityBus#LibrengSakay

+11