LIBRENG SAKAY
Tuloy-tuloy ang libreng sakay hatid ng ating Q City Bus para alalayan ang mga QCitizen na apektado ng transport strike ngayong araw, December 14, 2023.
Handa ang walong ruta ng mga bus na maghatid paikot sa lungsod.
Nakaantabay rin ang mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS), General Services Department, Quezon Police District (QCPD) at Traffic and Transport Management Department (TTMD) para umalalay sa mga stranded na pasahero.