Nakaantabay ang QCity Bus Sevice ng pamahalaang Lungsod Quezon upang magbigay ng libreng sakay sa mga pasahero na maaapektuhan ng tigil-pasada ng grupong Manibela.
Nagtalaga rin ng mga traffic enforcers ang QC Traffic and Transport Management Department sa mga pangunahing lansangan upang i-monitor ang sitwasyong dulot ng transport strike at para gumabay sa mga pasahero.
Patuloy ang libreng sakay ng QCity Bus sa walong ruta nito. Para sa karagdagang detalye at schedule ng bus service, i-click ang link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/Ut2ghQTvoBZDwhrh/?mibextid=oFDknk