Pinangunahan nina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, at Traffic and Transport Management Department Head Dexter Cardenas ang paglulunsad ng walong (
bagong electric bus units para sa Route 6 (QC Hall–Gilmore via Tomas Morato), na magsisimula nang bumiyahe sa May 11.
Sa kabuuan, mayroon nang 16 electric buses ang QCity Bus Program—8 sa Route 1 (QC Hall–Cubao) at 8 sa Route 6.
Ang mga e-bus ay kapalit ng mga tradisyunal na fuel-powered buses bilang bahagi ng patuloy na modernisasyon at pagsusulong ng eco-friendly na pampublikong transportasyon sa lungsod.
May libreng WiFi, CCTV cameras, PWD-friendly ramps, at iba pang safety features ang mga bus upang matiyak ang mas ligtas at maayos na biyahe para sa mga QCitizen.
Tingnan ang updated QCity Bus routes sa link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1EptH6f6dQ/








