Kasalukuyang nagsasagawa ang Traffic and Transport Management Department (TTMD) ng pilot testing ng bagong application sa Route 1 (Quezon City Hall to Cubao) na gagamitin para sa programang Libreng Sakay.
Bilang bahagi ng pilot testing na ito, hinahanapan ng aming mga personnel ang mga pasahero ng QCitizen ID upang ma-scan gamit ang nasabing app.
Hinihikayat po namin ang lahat ng wala pang QCitizen ID na magparehistro at kumuha nito. Gayunpaman, maaari pa rin pong makasakay ang mga walang QCitizen ID habang isinasagawa ang pilot testing.
Layon ng inisyatibong ito na:
• Makapagtala ng tamang bilang ng mga pasahero
• Masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mga pasahero
• Makakalap ng mahahalagang datos para sa mas epektibong pagpapatupad ng programa
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at patuloy na pagtangkilik sa Q City Bus.
