Pansamantalang limitado ang byahe ng Q City Bus Route 6 (Quezon City Hall – Gilmore) at Route 7 (Quezon City Hall to C5 / Ortigas Ext.) hanggang katapusan ng Disyembre dahil sa kakulangan ng bus units at crews nito.
Nagdagdag na ng mga bus ang lokal na pamahalaan sa nasabing mga ruta para maserbisyuhan ang mga maaapektuhang pasahero.
Paumanhin po sa maaaring abala na idinulot nito. Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang Pamahalaang Lungsod sa partner nating bus operator ng mga nasabing ruta, upang maresolba ang sitwasyon sa lalong madaling panahon.
Patuloy naman ang regular na operasyon ng ibang ruta.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.
