Tuloy-tuloy ang libreng sakay hatid ng ating Q City Bus para alalayan ang mga maaapektuhan ng transport strike na ikakasa ng grupong Piston bukas hanggang Biyernes, December 14 – 15, 2023.

Magde-deploy ng karagdagang Q City Bus ang lokal na pamahalaan sa lahat ng ruta para maserbisyudan ang mga posibleng ma-stranded na pasahero.

May libreng sakay rin ang General Services Department, Department of Public Order and Safety (DPOS) at Quezon City Police District (QCPD).

Magpapakalat naman ng traffic enforcers mula sa Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang alalayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike.