Q CITY BUS SERVICE ADVISORY
Simula January 02, 2025 ang mga brand new electric bus ng Quezon City Government na ang gagamitin sa Route 1 ng QCity Bus, na mula Quezon City Hall hanggang Cubao at vice versa.
Mga Mahahalagang Impormasyon:
Electric Q City Bus Configuration: Ang electric Q City buses natin ay mga city bus, kaya mayroon itong mababang sahig kumpara sa mga pangkaraniwang bus. Nagbibigay-daan ito para sa mas madaling pagpasok at pagbaba ng mga pasahero, pati na ang mas komportableng paglalakbay.
Seating Capacity: 41 ang bilang ng mga upuan sa mga electric Q City bus at mas marami ang espasyo para sa standing. Papayagan ang limitadong bilang ng standing na mga pasahero upang matiyak ang kumportable at ligtas na pasakay.
Walang Pagbabago sa mga Ruta at Schedule ng Biyahe: Mananatili ang parehong ruta at schedule ng mga electric Q City bus para sa Route 1, kasama na ang mga bus stops.
Nakaalalay ang ating mga kawani ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang masiguro ang maayos na pagbiyahe sa Route 1 gamit ang ating makabagong electric Q City buses.
Ang hakbang na ito ay alinsunod sa pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod Quezon na alagaan ang ating kapaligiran, at bawasan ang polusyon mula sa mga tradisyonal na sasakyan.