Q City Bus Advisory
Magpapatupad ng TEMPORARY REROUTING ang QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) para sa Q City Bus Route 8: Quezon City Hall – Muñoz bukas, January 9, 2026, mula 7:00AM hanggang 10:00AM, dahil pansamantalang isasara ang Misamis Street sa Brgy. Sto. Cristo.
Narito ang temporary route:
Ang Q City Bus Route 8 ay dadaan ng Congressional Avenue at kakanan sa Mindanao Avenue.
Narito naman ang mga apektadong bus stop at pansamantalang bus stop ng Q City Bus Route 8:
Mga apektadong bus stop:
• Brgy. Ramon Magsaysay Hall
• Corregidor St. cor. Ilocos Sur St.
• SM City North EDSA (Quezon City University – San Francisco)
Pansamantalang bus stop:
Maaaring bumaba at sumakay ang mga pasahero sa Mindanao Ave., Road 8 at Mindanao Ave., Road 1.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.





