MAHALAGANG ABISO, QCITIZENS!
Magkakaroon ng pansamantalang pagbabago sa mga bus stop at dispatching area ng Route 2 (QC Hall – Litex/IBP Road) ng Q City Bus sa Lunes, July 27, 2026, kaugnay ng isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pansamantalang aalisin ang mga sumusunod na bus stop:
Northbound – St. Peter Bus Stop
Northbound at Southbound – Maclang General Hospital
Samantala, bubuksan ang mga sumusunod na temporary bus stop:
Northbound – Kalayaan C St., Commonwealth Avenue
Southbound – Riverside St., Commonwealth Avenue
Pansamantala ring ililipat ang dispatching area sa bahagi ng Commonwealth Avenue, paglagpas ng Jollibee Soliven.
Mananatili namang pareho ang schedule at mga bus stop ng iba pang ruta sa nasabing araw.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pakikiisa.







