Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Q City Bus Advisory
Pansamantalang ililipat ang pick-up at drop-off point ng Q City Bus Route 4: QC Hall to Gen. Luis. Itatalaga ito sa loob ng Gate 2 Parking Area ng Quezon City Hall compound simula November 17, 2025, Lunes, tuwing 4:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes. Tatagal ito hanggang sa kabuuan ng December 2025.
Hindi naman maaapektuhan ang pick-up at drop-off point ng ibang ruta ng Q City Bus.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa.







