LIBRENG SAKAY
Tuloy-tuloy ang libreng sakay hatid ng ating Q City Bus para alalayan ang mga maaapektuhan ng transport strike sa Lunes, October 16, 2023.
Magde-deploy ng karagdagang Q City Bus ang lokal na pamahalaan sa Routes 4, 6, and 7 para maserbisyuhan ang mga posibleng ma-stranded na pasahero.
Magpapakalat din ng traffic enforcers mula sa Traffic and Transport Management Department (TTMD) upang alalayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng mga aktibidad sa transport strike.