MAHALAGANG ABISO
Para sa mga Pasahero ng QCity Bus Route 6
Magkakaroon ng adjustment sa ruta ng QCity Bus Route 6 simula Nobyembre 10, 2025 (Lunes). Ang pagbabago sa ruta ay isasagawa upang mapabuti ang serbisyo, mapalawak ang saklaw ng ating libreng sakay, at makapagbigay-serbisyo sa isa sa mga tourism hub ng lungsod– ang Tomas Morato area.
Bilang bahagi ng pagbabago, idadagdag ang mga sumusunod na bus stops:
•Timog Ave. – Sct. Tuason St.
•Tomas Morato Ave. – Sct. Limbaga St.
•Tomas Morato – Sct. Lozano St.
•Don A. Roces Ave. – Don Alejandro Roces Sr. Science – Technology High School
•Sct. Reyes St. – District 4 Action Center
•Sct. Chuatoco Ave. – Sct. Tobias St.
Samantala, ang mga sumusunod na bus stops ay aalisin:
•Sct. Tobias St. – Timog Ave.
•Sct. Tobias St. – A. Roces Ave.
Paalala po na walang pagbabago sa oras ng biyahe at sa pagitan ng mga bus (headway o interval). Mananatili po itong gaya ng kasalukuyan upang masiguro ang tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtangkilik at pag-unawa.






