Pinangasiwaan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Council (QCDRRMC) para sa 3rd quarter ng taon sa QC Hall Executive Lounge, Setyembre 30, 2022.
Tinalakay kanina ang progress report ng pag-update sa Climate and Disaster Risk Assessment ng lungsod, at ang pinal na ulat patungkol sa epekto at maagap na aksyon ng lungsod sa Super Typhoon #KardingPH. Adopted na rin ng council ang dalawang resolusyon na Comprehensive Emergency Plan for Children at ang Minimum Requirements for Accreditation of Community Disaster Volunteers.
Present sa pulong sina QCDRRMO OIC at Secretary to the Mayor Ricardo T. Belmonte, Jr., QCDRRMO Research and Planning Section Chief Ma. Bianca D. Perez, BCRD head Ricky B. Corpuz, DPOS Head PBGGEN. Elmo DG. San Diego (Ret.), QC E-services Department head Carlos J. Verzonilla, DSQC OIC Richard Santuile, EMI Associate Technical Director Jose Mari Daclan, Assistant City Administrator Alberto Kimpo, at si DILG Director Emmanuel D. Borromeo, CESO V.