Happy 87th Founding Anniversary, QC!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang masayang pagdiriwang ng ika-87 anibersaryo ng Quezon City kahapon, kung saan tampok ang talento, at pagpapahalawa sa bawat kawani ng pamahalaang lungsod!
Lalong pinasigla ng dance competition ang selebrasyon, kung saan nagpakitang-gilas ang iba-ibang departamento. Congratulations sa mga sumusunod na departments na nagwagi:
Champion: General Services Department
1st Runner Up: Quezon City Public Library
2nd Runner Up: Department of Public Order and Safety
Nakiisa rin sa masayang okasyon si dating QC Mayor at House Speaker Sonny Belmonte.
Nagpaabot naman ng pasasalamat at pagkilala si Mayor Joy sa lahat ng kawani nito para sa kanilang sipag, dedikasyon, at patuloy na paglilingkod sa mga QCitizen.










