Mas pinalawak na ang Quezon City Scholarship Program para mas maraming kabataang QC ang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral at mas mapalapit sa kanilang mga pangarap. ![]()
![]()
Sa ilalim ng QCSP, bukas ang scholarship opportunities para sa iba-ibang antas — mula Senior High School, College, at Vocational students hanggang sa mga nais magpatuloy ng Postgraduate studies.
Hindi lamang ito nakatuon sa mga academic achiever dahil kinikilala rin dito ang mga kabataang may talento at maging ang mga estudyanteng nangangailangan ng dagdag na suporta upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.
Gusto mo bang malaman kung anong scholarship category ang swak para sayo at kung ano-anong requirements ang kailangan?
Panoorin ang QC Alam Mo Ba: Scholarship Program na ito:




