Binisita ng QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. ang Zero Illiteracy sa QC tutoring sessions sa Culiat Elementary School sa pangunguna ni President Joaquin Co.

Layunin ng programa na tugunan ang learning loss na nararanasan ng mga estudyante, sa pamamagitan ng pagpapatibay ng kanilang kasanayan sa pagbasa.

Sa kanilang pagbisita, binigyang-diin ni President Co ang kahalagahan ng edukasyon ng kabataan para sa ikauunlad ng bansa at ang papel ng mga pribadong organisasyon upang suportahan ito.

Ang QC Association of Filipino-Chinese Businessmen, Inc. ay nagdonate ng Php 1,500,000.00 sa QC Learning Recovery Trust Fund bilang suporta sa learning recovery initatives ng lungsod.

+3