Naging maayos at matiwasay ang pagbabalik eskwela ng mahigit 400,000 mag-aaral sa mga pampublikong paaralan sa Quezon City ngayong araw.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang pagbabantay sa unang araw ng pasukan katuwang ang Schools Division Office of Quezon City (SDO QC), Quezon City Police District (QCPD), Traffic and Transport Management Department (TTMD), Department of Public Order and Safety (DPOS) at mga opisyal ng barangay.
Bago pa man ang pasukan ay iba-ibang paghahanda na rin ang isinagawa ng mga paaralan sa lungsod sa pamamagitan ng Brigada Eskwela, at pamimigay ng learning kits.