Sumailalim sa budgeting seminar ng QC Barangay and Community Relations Department (BCRD) ang mga barangay official ng Districts 2, 5, at 6.
Sa pagsasanay, muling itinuturo sa mga opisyal kung paano ang masinop na paggamit sa budget, at kung paano ito mas makapagbibigay ng serbisyo para sa mas nakararaming residente.
Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ni Mayor Joy Belmonte ang mga barangay official na parating isaalang-alang ang kapakanan ng kanilang nasasakupan sa pagsasagawa ng mga programa at inisyatibo. Ayon sa alkalde, karapatan ng mga mamamayan na makatanggap ng serbisyo ng pamahalaan, at tungkulin ng pamahalaan na iparamdam ito sa kanila.
Bukod kay Mayor Joy, naroon din sa seminar sina Liga ng mga Barangay President Coun. Mari Rodriguez, at Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz.










