Sa ikalawang pagkakataon, nag-organisa ang Public Affairs and Information Services Department (PAISD) katuwang ang Barangay and Community Relations Department (BCRD) ng Barangay Media Literacy Seminar.
Dinaluhan ito ng mahigit 100 na opisyal at kinatawan ng mga barangay mula sa District 3 at 4.
Nagbahagi si Ms. Elizabeth Judith Panelo ng ABS-CBN Bayan Mo, iPatrol Mo ng mga impormasyon patungkol sa kahalagahan ng pagiging aktibo ng mga QCitizens sa citizen journalism.
Ipinaalala rin na maging mapanuri sa paggamit ng social media at ang kahalagahan ng Fact Checking sa bawat impormasyon na makikita.
Tinalakay naman ng mga kinatawan ng PAISD ang iba-ibang tips upang mas mapalawig ang paggamit ng social media para sa mas epektibong pagpapakalat ng impormasyon.
Nagpaabot naman ng suporta sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa aktibidad.
Ikaw at ako, sama-sama tayo sa pagsulong ng responsableng paggamit ng social media at sa paghikayat sa makabuluhan at aktibong partisipasyon ng QCitizens!