GLOBAL RECOGNITION PARA SA QC STUDENT INNOVATORS! ![]()
Mula sa Startup QC Student Category, umabot ang galing ng kabataang QCitizens hanggang Tokyo, Japan!
Sa EMC Global Summit 2026, sampung (10) piling startup teams mula Japan, Pilipinas, Thailand, Indonesia, at India ang inimbitahang magpakita ng kanilang mga innovative solution sa isang international stage.
Ginawaran ng EMC Global Award ang QC-based agri-innovation at Startup QC Student Competition awardee na ‘Swine Scan’, sa pangunguna ni Jane Cristel Bohol. Ito ang pinakamataas na parangal na iginawad sa summit bilang pagkilala sa pagde-develop ng makabagong teknolohiya upang matulungan ang mga hog raiser na maagapan ang sakit ng mga alagang baboy bago pa ito lumala. Ang inobasyong ito ay naglalayong direktang pagbutihin at paghusayin ang sistema ng pag-aalaga ng hayop maging sa backyard o commercial man.
Kinilala rin ang isa pang Filipino team na Impulse Dynamics, na pinamumunuan ni Edward Dane Perez.
Patunay ito na kayang makipagsabayan sa buong mundo ang mga ideya mula sa mga kabataang QCitizen, lalo na kapag nabigyan ng tamang suporta.
Patuloy nating suportahan ang mga batang innovator na nagbibigay ng karangalan sa QC at sa Pilipinas.
Abangan ang Startup QC Student Competition Squad 3 ngayong Hulyo!
#StartupQC#StartupQCStudentCompetition#ProudlyQC#FilipinoInnovators#SwineScan#ImpulseDynamics#EMCGlobalSummit#StartupPH









