LIGTAS NA BIKE LANES PARA SA MGA QCITIZEN!

Sa patuloy na selebrasyon ng ika-83rd Quezon City Foundation Anniversary, nagdaos ang Department of Public Order and Safety (Green Transport Office – DPOS) ng Bike Ride caravan na umikot sa higit 21 kilometer bike lanes sa lungsod.

Nasa 700 bike volunteers mula sa higit 30 na mga grupo, organisasyon, mga opisyal, kawani ng lokal na pamahalaan, at QCitizens ang nakilahok sa Bike ride event na umarangkada mula City Hall patungong Quezon Avenue.

Nagkaroon din ng pa-raffle para sa bikers. Dalawang MTB bikes ang ipinamahagi mula sa tanggapan ni Councilor Mikey Belmonte, at isang electric scooter mula sa Team Vargas.

Pinangunahan nina Assistant City Administrator for Operations Alberto H. Kimpo at Task Force for Transport and Traffic Management Head Dexter Cardenas ang naturang caravan. Present din sa event sina DPOS Head Gen. Elmo DG. San Diego, Councilor Nanette Daza, at former Councilor Julian Coseteng.