Apat na taon na ang QC Build Easy ng Department of Building Official.
Sa anniversary program ngayong umaga, kinilala ng DBO ang mga indibidwal at opisyal ng pamahalaan na malaki ang ginampanan sa tagumpay ng QC Build Easy.
Kabilang sina City Administrator Mike Alimurung, Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia, at Zoning Administration Unit Head Michael Velasco sa mga pinarangalan.
Binigyang-diin ni Ms Margie ang kahalagahan ng unified permits system para mas efficient at mas mabilis ang mga proseso sa pag-asikaso at pagkuha ng mga dokumento.
Naroon din sa pagdiriwang sina Assistant City Administrator for Fiscal Affairs Don Javillonar, ACA for General Affairs Rene Grapilon, at Building Official Isagani Versoza Jr.
Naging panauhing pandangal naman si National Building Code Development Office (NBCDO) Officer-in-Charge Executive Director Atty. John Alexander Balderon.
Ang QC Build Easy ay nailunsad noong 2020 para i-streamline ang proseso sa pagkuha ng building permit. Ngayong taon, umabot na sa 22,824 ang nabigyan ng permit.