Nagsagawa ang QC Gender and Development Office ng ‘QC Bus for Women HERitage Trip – Trace the Legacy of Women Across Quezon City Historic Sites’ bilang bahagi ng selebrasyon ng Buwan ng Kababaihan.
Nilahukan ito ng 73 Barangay GAD Focal Persons at VAW Desk Officers mula sa iba-ibang barangay sa lungsod. Layon ng aktibidad na mas mapalalim ang kanilang kaalaman at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng kababaihan sa kasaysayan ng lungsod.
Kabilang sa binisita ang ilang makasaysayang lugar tulad ng Quezon Heritage House, Bahay Modernismo, Underparadiso, General Emilio Jacinto Monument, Tandang Sora Shrine, at Tandang Sora Women’s Museum.
Katuwang sa programa ang Quezon City Tourism Department, Quezon City Green Transport Office – Department of Public Order and Safety, at Traffic and Transport Management Department.








