Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Tuloy-tuloy pa rin sa pagdagsa ng QCitizen nano entrepreneurs sa QC Business One Stop Shop ng Business Permits and Licensing Department (BPLD) ngayong Linggo, upang mabilis na makakuha ng Nano Enterprise Permit.
Simula kahapon, higit sa 550 nano entrepreneurs ang naalalayan ng BPLD para sa requirements at online application sa pagkuha ng permit.
Layon ng aktibidad na makakuha sila ng kaukulang papeles para mapabilang sa programang Pangkabuhayang QC ng lokal na pamahalaan.










