Ginawaran ang mga natatanging kawani ng pamahalaang lungsod ng QC Career and Self Development Award para sa kanilang pagpupursigi ng kanilang personal at career growth habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang empleyado.
Kinilala naman sa QC Honesty Exemplar Award ang mga traffic aide na sina Fernando Dela Torre, Rolando Selorio, Jr., at traffic enforcer na si Jose Habana ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) para sa kanilang ipinamalas na katapatan.
Nanguna sa paggawad ng pagkilala sina Vice Mayor Gian Sotto kasama ang mga city councilors.