Isang makakalikasang araw, QC!
Nakiisa ang pamahalaang lungsod sa pagdiriwang ng Earth Day 2024 ngayong April 22 na may temang, ‘Planet vs Plastics’, isang kampanya na layong bawasan ang plastic pollution sa mundo.
Kasabay nito, lumagda sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa isang pledge of commitment kasama sina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Supervising Undersecretary for Strategic Communications Marilou Erni at Undersecretary for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones.
Sumisimbolo ito sa pakikiisa ng QC tungo sa pagsulong ng adhikain na makamit ang isang inclusive, sustainable, at resilient na lungsod.
Ibinahagi rin ni Mayor Joy ang kanyang 2024 Earth Day message kung saan inilatag ng alkalde ang mga programa ng QC sa pagsugpo sa climate change.