I ❤️ CHILD-FRIENDLY QC!

Dumalo sina Mayor Joy Belmonte at Vice Mayor Gian Sotto sa taunang Children’s Summit ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC) bilang bahagi ng selebrasyon ng National Children’s Month sa QC Science High School.

Daan-daang kabataang QCitizens ang nakiisa upang magbahagi ng kanilang opinyon tungkol sa mga isyung nakaaapekto sa youth sector ng Lungsod Quezon.

Layon ng summit na malinang ang kaalaman ng kabataang QC upang labanan ang pagkalat ng Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) at mawakasan ang Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa lungsod.

Para kay Mayor Joy, importante sa lokal na pamahalaan ang pakikiisa ng kabataan upang matugunan ang mga problema at isyung kinahaharap ng sektor.

Hinimok ng Alkalde ang mga dumalo na tangkilikin ang QC Helpline 122 upang i-report ang mga hinaing at concerns ng mga kabataan.

Dumalo rin sa conference sina Social Services Development Department head Carolina Patalinghog, ECPAT PH Executive Director Ana Dionela, Globe Telecom Senior Director Carlo Santos, PLDT and Smart Chief Sustainability Officer Melissa De Dios, PH Children’s Ministries Network Program Manager Christina Jurado, Alfred Dicto ng UNICEF PH, Ginno Coral ng ECPAT PH, at Online Influencer Lyqa Maravilla.

#TayoAngQC

#QC85th

+43