Tunay na naging makulay, masaya, at puno ng sorpresa ang QC Chinatown Mid-Autumn Mooncake Festival! ![]()
![]()
Isa sa mga highlight ng programa ang record-setting na 100-kilogram Giant Mooncake.
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte, kasama sina QC Tourism OIC Giana Barata, QCAFCBI President Rorvik Cheng, at Konsehal TJ Calalay, ang selebrasyon na dinagsa ng mga QCitizens.
Tampok rin dito ang makukulay na obra sa Lantern Making Contest, nakaka-excite na Mooncake Dice Game, at masasarap na pagkain sa food bazaar.
Pinakilig naman ang lahat sa live performances ng celebrities na sina Richard Yap at McCoy De Leon.
Ang Mooncake Festival ay paalala ng pasasalamat, pagkakaibigan, at pagkakaisa. Isa itong selebrasyon ng pagbubuklod ng bawat komunidad at pamilyang QCitizen.










