Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pulong upang repasuhin ang class suspension policy ng lokal na pamahalaan, kasama ang mga department heads at District Action Officers.
Binigyang diin ni Mayor Joy ang kaligtasan ng mga mag-aaral, kasabay ng pagpapalakas ng alternative learning delivery mode, upang masigurong walang naiiwang estudyante sa mga aralin tuwing may bagyo o sama ng panahon.
Pinag-aaralan rin ang pag-convert ng mga barangay facilities, QC libraries, at bahagi ng shopping malls bilang learning spaces tuwing suspendido ang klase.









