Nakamit ng QC Council for the Protection of Children ang overall score na 100% o katumbas ng IDEAL RATING sa CY 2025 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment for Performance Year 2024.
Bunsod ito ng iba-ibang programa at inisyatiba ng lokal na pamahalaan para maisulong ang karapatan at matiyak ang kaligtasan ng bawat bata sa Lungsod Quezon.
Ang pagkilala ay iginawad ng Regional Inter-Agency Monitoring Task Force – National Capital Region (RIMTF-NCR) na kinabibilangan ng Department of the Interior and Local Government-NCR, Department of Social Welfare and Development-NCR, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), National Nutrition Council-NCR, at Philippine Information Agency.
Mula sa Quezon City Government, maraming salamat po!
Mananatili pong inspirasyon namin ito para lalo pang pagbutihin ang pagbibigay ng serbisyo at kalinga sa kabataan tungo sa mas ligtas, payapa, at maunlad na komunidad.
