A CERTIFIED CHILD-FRIENDLY CITY! ![]()
Sa ikatlong magkakasunod na taon, muling nakamit ng Quezon City Council for the Protection of Children (QCCPC) ang overall score na 100% o katumbas na rating na “IDEAL” mula sa Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment para sa taong 2025.
Iginawad ng Department of the Interior and Local Government – National Capital Region (DILG – NCR) ang mataas na marka sa Quezon City bilang pagkilala sa iba-ibang programa at adbokasiya ng lungsod na nagbibigay proteksyon sa karapatan at kaligtasan ng bawat kabataan.
Mula sa Quezon City Government, maraming salamat sa pagkilalang ito.
Magsisilbi itong inspirasyon upang patuloy naming paigtingin ang pagbuo ng ligtas, inklusibo, at mapagkalingang komunidad para sa mga kabataang QCitizen.






