Bilang pagpapakita ng paggalang at pagkakaisa ng mga institusyon, bumisita ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Lungsod Quezon sa House of Representatives upang ihatid ang Resolution SP No. 10249, S-2025.
Nakasaad dito ang taos-pusong pagbati kay Hon. Faustino “Bojie” Dy sa kanyang panunungkulan bilang ika-29 na Speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Sa pamamagitan ng resolusyong ito, buong galang na tinatanggap ng Sangguniang Panlungsod ang bagong pamunuan ng kamara.
Buo rin ng tiwala ng konseho sa sama-samang pagsusulong ng kongreso ng matuwid na pamamahala, makabuluhang batas, at pambansang kaunlaran.
Inaasahan ng konseho ang patuloy na pagtutulungan at pakikipag-ugnayan ng dalawang institusyon, para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino at mapatatag ang mga demokratikong institusyon sa bansa.






