Ininspeksyon ng mga tauhan ng QC Department of Engineering (QCDE), sa pangunguna ni City Engineer Atty. Dale Perral, ang gumuhong retaining wall sa Diamond Ville sa Brgy. Bagong Silangan. Pinuntahan rin ng QCDE ang Sampaguita Extension sa Brgy. Payatas kung saan nagkaroon naman ng pagguho ng lupa o landslide bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong #KristinePH.
Ito’y para masiyasat at agad matugunan ang pinsalang dinulot ng bagyo sa nasabing mga lugar.
Muli ring paalala ng lokal na pamahalaan na BAWAL SAKUPIN o GAWING BAHAGI NG ISTRAKTURA GAYA NG BAHAY ang mga retaining wall. Matinding panganib ang posibleng idulot nito.
QCitizen, patuloy po tayong mag-ingat ngayong may kalamidad.
Para sa emergencies, tumawag lamang sa QC Helpline 122.




