Nakaantabay ang mga tauhan ng QC Police District (QCPD) para gabayan ang mga motorista at pasahero na posibleng maapektuhan ng tigil-pasada.
Sinisiguro nila ang maayos na daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar kasabay ng transport strike at peace rally sa Philcoa.
May mga nakaantabay na QCity Bus at QC e-trikes sa harap ng National Housing Authority, na nagsisilbing command post ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Department of Public Order and Safety (DPOS).
Handa itong magsilbing service papasok at pauwi hanggang mamayang 8:00 PM.
Narito ang kumpleto at updated na listahan ng bawat ruta at schedule ng ating QCity Bus: https://www.facebook.com/QCGov/posts/pfbid05Wy1v7dhTBpsygBQCqtp8tnjTywsWPbcTFb55nadJWJrdZnnc2pG6pM7ut5sRZJGl








