Nagsagawa na ng ikatlong weather briefing at status report ang QC Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte matapos ang matinding pag-uulan at bahang dulot ng Bagyong #CarinaPH sa Lungsod Quezon.

As of 10:00 PM, umabot na sa 15,819 pamilya o 55,327 indibidwal mula sa 93 barangays sa QC ang naapektuhan ng sama ng panahon.

Kasalukuyang nasa 227 evacuation centers ang mga QCitizen na agad namang inalalayan ng lokal na pamahalaan.

Patuloy pa rin ang search and rescue operations ng lungsod upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa flood-prone areas sa lungsod.

+5