Namahagi ng carpentry tools ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office para sa QC Jail Male Dormitory.
Gagamitin ng mga person deprived of liberty ang nasabing carpentry tools sa paggawa ng wooden frame, basket, food tray, book stand, birdhouse at souvenirs na bahagi ng livelihood program ng BJMP.
Nakalap naman ang mga kahoy mula sa mga natumbang puno na nirespondehan ng QCDRRMO at QC Parks Development and Administration Department (PDAD) noong malakas ang ulan.