Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
ICYMI: Bilang bahagi ng pagbibigay tulong sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu, pormal nang nilagdaan ng iba-ibang alkalde ng mga lungsod at munisipalidad ang Deed of Donation and Acceptance mula sa Pamahalaang Lungsod Quezon.
Nanguna ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office sa pag-abot ng tulong sa mga mayor ng San Remigio, Tabogon, Sogod, Carmen, Tabuelan, Medellin, Santa Fe, San Fernando, Bantayan, at Bogo City.
Kasabay nito, nagpadala rin ng humanitarian relief efforts ang QC Government sa Cebu kasama ang mga tauhan ng QCDRRMO, Department of Engineering, City Health Department, at Department of Building Official.








