Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Umabot sa mahigit 70 indibidwal ang na-rescue ng mga tauhan ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa Brgy. Tatalon kanina.
Karamihan sa mga natulungan ay mga residenteng kinailangang ilikas mula sa kanilang mga bahay dahil sa pagtaas ng tubig-baha. Habang ang iba naman ay mga na-stranded sa daan bunsod ng walang-tigil na pag-ulang dulot ng habagat.
Para sa anumang emergency, huwag mag-atubiling tumawag sa QC Helpline 122.
Patuloy na nakaantabay ang QCDRRMO at iba pang ahensya ng pamahalaang lungsod para matiyak ang kaligtasan ng bawat QCitizen ngayong panahon ng tag-ulan.










