Alinsunod sa City Ordinance SP-2942, S-2020, nagsimula ng manita at manghuli ang mga kawani ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) sa mga bikers na walang helmet sa QC.
Ang ipapataw na multa ay nagkakahalaga ng:
1st Offense: P300
2nd Offense: P500
3rd Offense: P1,000
Kasabay nito, namigay rin ng libreng helmet ang pamahalaang lungsod sa mga bicycle rider na mahuhuli. Pinapaalalahanan pa rin ang lahat na sumunod sa mga patakaran ng lungsod upang mapanatiling ligtas ang bikers sa QC.