QCitizens, iwasan ang paggamit ng plastic at disposables!

Pinaalalahanan ni Mayor Joy Belmonte ang ilan sa mga kalahok ng QC Eco Run na ipinagbabawal ang paggamit ng single-use plastic, tulad ng PET bottles, plastic cups, straws, at sachets sa eco run dahil kasama ang mga ito sa nakakadagdag sa plastic pollution na mahigpit nilalabanan ng lungsod.

Ang mga plastic, lalo na kung hindi ma-dispose ng tama, ay maaaring bumara sa daluyan ng tubig o drainage system na magiging sanhi ng pagbaha.

Kaya sa Quezon City, mahigpit na isinusulong ang paggamit ng reusable items tulad ng water tumblers para tuluyan nang maiwasan ang plastic pollution. Bilang bahagi ng adhikain, naglagay ng mga water refilling stations sa mga designated areas ng Eco Run para hikayatin ang mga kalahok na gumamit ng reusable na kagamitan.

Base sa City Ordinance 2876-2019, ipinagbabawal ang paggamit ng single-use plastics sa mga hotel at plastic utensils sa mga dining-in customer sa mga restaurant.

Bawal din ang paggamit ng plastic bags, sa bisa ng City Ordinance 2868-2019.

+2