Sa Quezon City, prayoridad ang kalikasan at kalusugan ng mga QCitizen!
Mahigit 6,000 QCitizens ang nakiisa sa kauna-unahang QC Eco Run: “Run Green, Breathe Clean” bilang paggunita sa Environmental Awareness Month, Climate Change Consciousness Week, at Clean Air Month, at ang anniversary month ng pananalasa ng bagyong Yolanda.
Nakiisa sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, District 1 Rep. Arjo Atayde, Majority Floor Leader Councilor Doray Delarmente, City Administrator Mike Alimurung, mga konsehal, at mga kawani ng lokal na pamahalaan sa programa na nagsimula sa Quezon Memorial Circle.
Ang mga kalahok ay tumakbo sa tatlong race routes: 10km, 5km, at 2km jog/walk. Mayroon ding Dance Fitness Marathon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Joy ang kahalagahan ng pagsasagawa ng running events tulad ng QC Eco Run dahil nagsisilbi itong instrumento para mas maisulong ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan, at matiyak ang malusog na pangangatawan ng mga mamamayan.
Hinimok din ng alkalde ang mga QCitizen na makiisa sa adhikain ng lungsod na iwasan ang anumang uri ng unnecessary single-use plastics para babawasan ang plastic pollution sa lungsod.