
Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QCitizens, ito ang emergency contact numbers ng lungsod na pwedeng tawagan para kayo ay matulungan.
Narito ang iba pang ligtas tips para sa paghahanda sa bagyong #RollyPH:
- Suriing mabuti kung matibay ang bubong at pader ng bahay.
- Maghanda ng emergecy go-bag na paglalagyan ng mga pagkain at iba pang bagay na maaaring gamitin sa paglikas pati narin flashlight na may extra battery.
- I-secure and inyong mga personal na kagamitan at mga dokumento.
- Kaagad lumikas kung makatanggap ng anunsiyo.
- Panatilihing sumusunod sa minimum health and safety protocols.
Mag-antabay sa weather updates mula sa PAGASA, Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council, at social media accounts ng Quezon City government. Mag-ingat po tayong lahat.



