Agad na rumesponde ang mga tauhan ng QC Engineering Department, kasama ang Manila Water, upang tugunan ang nasirang sewer line na nagdulot ng matinding pagbaha kahapon sa kahabaan ng Philcoa Commonwealth.
Nakadagdag din sa mabilis na pagtaas ng tubig ang malakas na pag-ulan sa lungsod na nagdulot ng trapiko sa nasabing lugar.
Patuloy ang lokal na pamahalaan sa paggawa ng iba-ibang hakbang upang matiyak na maiwasan ang matinding baha kapag malakas ang ulan.




