Patuloy ang isinasagawang rehabilitasyon sa Masambong High School bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa Lunes, August 5.
Tulong-tulong ang mga tauhan ng QC Engineering Department sa pagkukumpuni ng mga nasirang kagamitan at pasilidad sa paaralan na isa sa mga lubhang naapektuhan ng Habagat na pinalakas ng Bagyong #CarinaPH.